SONA Aftermath
Post-SONA Rants
I didn't think that GMA's SONA would have this effect on me.
Marami akong nararamdaman pero at the same time, parang ang empty din. Haaay malabo talaga. Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko.
Maraming nangyari.
Nawala telepono ko kanina habang sumusuong kami sa ulan sa Commonwealth. Di lang ako sigurado kung pano sya nawala, baka nalaglag sa bulsa ng jacket ko o baka meron lang talagang kumuha. Ang dami kasing tao kanina, kahit sobrang lakas ng ulan. Basang-basa nga ako/kami e. Lahat pati sapatos at medyas ko. Napatunayan kong ayaw na talaga ng mga tao kay Gloria na kahit bagyo, hindi sila mapipigil sa pagpapatalsik sa kanya. Nakakuha din naman ako ng maraming mga litrato kahit nababasa ng ang camera ko. (Sana lang keri naman sila.) Hindi pala ako pinayagang sumama, yan ang bilin sakin kanina nila Nanay at Tatay bago sila umalis pauwing Iloilo. Which obviously, hindi ko naman sinunod. Syempre pinagalitan ako tungkol sa telepono, di ko alam kung naniwala sila sa akin na hindi ako sumama sa sona (well obviously, nagsinungaling ako). Napaparanoid na ata sila, after this sem daw lilipat na ko ng UP Visayas sa Iloilo. Kumusta naman yun??? Pero sa totoo lang, hindi ko alam ko gagawin ko kapag nangyari yun. Hindi ko talaga alam. Shet karma na ata to sa pagsisinungaling at pagsuway at sa lahat-lahat.
Ayoko din tuluyang maniwala sa teorya ni Leo na laging may katumbas na kalungkutan ang kasiyahan. Kahit na ilang beses ko nang napatunayan yun. Pwede kasing nagkakatotoo sya dahil pinapaniwalaan mo. Or pwede namang naniniwala ka dahil totoo talaga sya. Either way, ayoko ng malungkot. Gusto ko masaya o nakangiti pa rin kahit pagod o may problema. Sawa nako sa kalungkutan. Di lang nila alam.
*shit. "It must be the rain."

0 Comments:
Post a Comment
<< Home