Monday, July 10, 2006

Walang Panahon






Tumunog ang alarm ng cellphone ko kaninang 6:45. Pinindot ko lang ang snooze, balik sa tulog. Tapos nung 7:15 ulit. Reminder naman, "bangon na! bawal ma-late!".

***
Pero haayy. Eto ako, nagta-type nitong entry na 'to. Alas-onse na nakabangon dahil sa inaapoy ng lagnat. Hindi nakapasok sa film102 class kay Campos. Nanood lang naman daw sila ng pelikula ni Erap, at sobrang konting discussion, pero kahit na. May isa na kasi akong absence sa klaseng yun nung na-late (at na-lockan ng pinto) ako nung isang linggo. At TATLO LANG ang maximun number na pwede kong i-absent. So goodluck sakin diba.

***
Nilalagnat pa rin ako. Tumawag Nanay at Tatay ko. Sobrang nag-aalala Nanay ko, naiiyak na siya. Gusto niyang pumunta dito ngayon din. Pero baka bukas na lang daw. Nakokonsyensya ako. Di ko kasi inalagaan sarili ko, di sana hindi ako nagkasakit. Di ko kasi sila sinunod na huwag nang umalis nung Sabado, umalis pa rin ako, at nakipag-inuman sa kule. Tuloy, eto pasinghot-singhot ako at giniginaw. Sabi pa man din niya, naniniwala daw siyang nag-aaral ako ng mabuti. Well, totoo naman yun. Sinisikap ko naman na hindi mag-absent. At pumasok sa klase na matino ang kaisipan. Kaya lang, meron lang talagang mga bagay-bagay na hindi maiiwasang unahin ko.

Namimiss ko na sila, at kaarawan ng Nanay ko sa susunod na linggo. Bumili kami ng kapatid ko ng regalo para sa kanila ni Tatay. Tsinelas. Havianas na puti, terno silang dalawa. Sana magustuhan nila.

***
Haaay. Gusto kong pumasok sa klase. Gusto kong maligo. Pero giniginaw ako. Excited pa man din ako sa film110 ko ngayon. Magpiprint na kami ng mga litrato. [Sayang yung isang roll ko, nasira sa pagdevelop ko last week. Pero meron pa namang isa.] Sabi ng ni Aika, huwag na daw akong pumasok kung hindi ko talaga kaya. Pero mukhang kaya ko pa naman. Ata.

***
May hang-over pa rin ako. Sa party nung Sabado. Sa mga pangyayari. Hahaha.

***
Syeet. Walang akong panahon para mpagod. Walang panahon para magkasakit. Haayyy.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home







Photobucket - Video and Image Hosting







Photobucket - Video and Image Hosting