Bitter-bitteran
Bitter ka nga ba Divs?
*Haha, ewan ko. Naguguluhan pa ko. Ang daming kontradiksyon. Pero isa lang ang alam ko. Ang ganda ng tulang ito, galing sa blog ni Omer.
Kung Limutin Mo Ako
ni Pablo Neruda (salin ni Guiller Luna)
Nais kong ipabatid sa iyo ang isang bagay.
Alam mo na kung paano ito:
kung masdan ko ang kristal na buwan
mula sa pulang sanga
ng mabagal na taglagas mula sa aking durungawan,
kung hawakan ko
ang di maapuhap na abo
malapit sa apoy,
o ang magaspang na katawan ng panggatong,
lahat ng ito'y dinadala ako sa iyo,
waring ang lahat ng umiiral-
mga samyo, liwanag, mga bakal
ay mga mumunting bangkang
naglalayag
patungo sa mga isla mong naghihintay sa akin.
Ngunit kung ngayo'y
unti-unting pumanaw ang pag-ibig mo sa akin,
unti-unti, ihihinto ko rin ang pagmamahal sa iyo.
Kung sa isang iglap ako'y iyong limutin
huwag mo na akong hanapin
sapagkat nilimot na rin kita.
Kung matama at baliw mong pag-isipan,
ang hangin
ng nagdaan,
at napagtanto mong
dapat mo na akong lisanin
sa dalampasigan ng puso kung saan ako nag-ugat,
alalahanin mong
sa araw na iyon,
sa oras na iyon,
ikakampay ko ang aking mga braso
at ang ugat ko'y hahanap
ng panibago nitong lupalop
Ngunit, kung sa bawat araw,
bawat oras,
nadarama mong ikaw ay para sa akin
ng may di nagmamaliw na tamis,
kung sa bawat araw ay may bulaklak
na dumadampi sa mga labi mo upang hanapin ako,
o mahal ko, o sinta ko,
ang kabuuan ko ay muling mag-aalab,
walang mamamatay o mawawaglit sa akin,
nabubuhay ang pag-ibig ko sa pagmamahal mo, minamahal ko,
habang nabubuhay ka, mananatili ito sa bisig mo
nang hindi lumalayo sa akin.
----
para sa english version click mo to.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home