Sunday, September 24, 2006

Ganun lang talaga.






Kalabuan at Kabaliwan.

May mga bagay talaga na kahit ako mismo sa sarili ko, hirap akong maintindihan.

Magbibigay ako ng ilang halimbawa:

1. Bakit ko kaya hinahayaan na masaktan ako e meron naman akong choice(?)?
2. Bakit ko nga ba pinapayagan sila na saktan ako, e pwede naman akong lumaban?
3. Bakit kaya sa tuwing tumingin ako sa mga mata niya nakakalimutan ko ang konsepto ng "sarili"?
4. Bakit kaya hindi ko kayang wag ngumiti kapag nginitian na niya ako?
5. Bakit kaya ayaw sumunod sakin ng puso ko sa twing sinasabi kong "tama na. suko na tayo, please."?
6. Bakit kaya sabi nila naiintindihan nila ako, pero mukhang hindi naman?
7. Bakit kaya hindi ko siya kayang abutin?
8. Bakit ko kaya iniiyakan ang mga bagay na mabababaw pero walang luhang lumalabas para sa kanya kahit gusto ko nang humagulgol?
9. Bakit kaya sa napakahabang panahon, walang ibang nakakaalam ng TUNAY na laman ng puso ko kundi ako lang?
10. At bakit ko kaya sinusulat lahat ng 'to ngayon dito sa mapagpanggap na blog na 'to?
11. Bakit?


Di kaya dahil sa wakas papalayain ko na ang sarili ko sa kabaliwan at kalabuang ito? (Sana. Namimiss ko na ang kalayaan higit sa anupaman.)


Kung sino me alam ng mga sagot, sabihin mo naman sakin o.




Ewan ko kung me koneksyon pero sabi nga Kim Eun-ju sa Il Mare,

"We're hurt not because the love stops. But because it continues. Even after the love has already been over."

(*im not sure of the exact qoute pero basta ganun yung essence.)

At sabi din ng Up Dharma Down,

"Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan. Baka sakali lang maisip mo naman. Puro sya na lang sana'y ako naman."

Haaaay.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Sabi nga ni Renato sa liham niya kay Malena:

"Signora Malena, a more capable person than me wrote that the only true love is unrequited love. Now I understand why.
It´s been so long since you last came out ofyour house, but the longer we are apart, the stronger my love becomes."

11:23 AM  

Post a Comment

<< Home







Photobucket - Video and Image Hosting







Photobucket - Video and Image Hosting