Saturday, September 30, 2006

Tumingin ka naman






Sige nga. Hulaan mo nga kung anong bago sakin.

Hindi mo siguro napansin noh. Hindi, hindi ako nagpagupit ulit. Ganun pa rin naman kulay ng buhok ko. Hindi din bago ang suot kong damit. Cellphone? Hindi a, yung luma ko pa rin 'to.

Haaay bakit pa nga ba ako nagtataka? Hindi mo naman talaga ako napapansin e. Tumitingin ka nga sa akin, lumalampas naman. Nakikinig ka nga sa mga sinasabi ko, di mo naman inuunawa.

Hindi na dapat ako nagtatanong. Nasanay na rin naman ako. Medyo matagal-tagal na rin kasing ganito. Namanhid na ako, napagod na. Kaya tanggap nalang ng tanggap, wala nang paglaban. Wala nang resistance.


Teka.









Wala na nga ba?


-----



"...ganito ring panahon nang walang awang patayin ng ulan ang apoy sa aking puso."



*salamat kay Karl para sa litrato.

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ay bakit paang nakakarelate ako xD hehehehehe

5:54 PM  
Blogger Sinukuan said...

teka, wala na nga ba?
wala na nga ba?

4:30 PM  
Blogger Divs said...

well. wala na talaga ata. me konting sakit. ok, hindi konti. masakit talaga. pero wala nang paglaban. hanggang dun nalang talaga. :)

5:35 AM  
Blogger Divs said...

Kay Glenn: Oo noh! Lalo na kung ayaw ka talaga niyang pansinin. Haay.

8:15 AM  

Post a Comment

<< Home







Photobucket - Video and Image Hosting







Photobucket - Video and Image Hosting