Kamustahan
[Hindi na ata ako marunong magsulat.
O baka hindi ko lang din talaga alam kung pano magsisimula.]
Kamusta na nga ba ako? (Para to sa mga nagtatanong at kahit sa hindi din. Literal na kung literal tong entry na 'to.)
MASAYA AKO. Oo, tama yang nababasa niyo. SOBRANG masaya ako ngayon.
Matagal akong nawala, nagbalik, at nawala ulit. Hindi man ako namatay, nabuhay ako ngayon. MAS nabubuhay ako. Ang daming napukaw na damdamin, positibo at negatibo. Marami akong napagtanto sa mga panahong ako'y nag-iisa at sa mga panahong maraming taong nakapalibot sakin. Mas nakilala ko kung sino ang aking mga kakampi at kaaway.
Pinakilala sakin ng mga pangyayari ang pinakamabait kong kakampi at pinakamatindi kong kaaway: SARILI ko.
Humina ako at tumatag gamit ang kahinaan din mismo ng mga nagdaang araw. Natuto akong magpakumbaba at sa mga pagpapakumbabang din yun ako kumuha ng lakas para lumaban. Inamin kong makakalipad lang ako ulit kapag nagamot ko na ang sugat ng mga pakpak ko (na ngayon pinagtutulungan ng lahat na gamutin). Na hindi maaayos ang lahat na nagmamadali. Maraming akong nasagot na mga tanong, maraming kontradiksyong naresolba, maraming mga desisyong napagtibay.
(korni pero) MAS KILALA KO NA ANG SARILI KO ngayon (at ang mga kaya kong gawin at abutin). At lalo pa na tangan-tangan ko ang mga aral ng ilang linggong nakalipas. Mga aral at karanasang lalong nagpapatibay sa pagkakakilala ko sa sarili ko.
Sa kahuli-hulihan naman kasi, ang magiging batayan ko ng kasayahan ko ay kung ano ba ang naging silbi ko sa mundong 'to.
Wala pa man akong naaabot, sa desisyon ko pa lang na yun talaga ang tutunguhin ko anumang bagyo ang dumating, MASAYA NA AKO.
E kayo, kamusta naman kayo?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home