Monday, July 31, 2006

Randomness






2 Years/French Fries/Happy


It's Manong Toto's 2nd death anniversary today. I don't want to remember the pain of his loss, gusto ko nalang alalahanin ang mga masayang alaala na iniwan niya samin. I got tired of crying and mourning. Gusto kong ngumiti nalang kapag naiisip ko siya. Like now. :) Alam kong masaya na siya kung nasan man siya ngayon.

Two days ago, it's French Geraldine's 2nd birthday (Manong Toto's first born. Too bad, my pc's mouse is still not fixed. Can't post her uber cute photo here ;p). Aww i miss baby French Fries. Can't wait to see her this October. :)

----
I'm happy. Very happy with the way things are right now. I'm starting to uh, "refix" my life. I hope it works this time. Haha. I'm getting a lot of inspiration from almost everything and anything lately. If you know what i mean. Haha. I've learned to just accept the sad realities and the realities i thought were unacceptable. Hahaha.:)

We had a 'little photoshoot' tonight at Bernal Gallery. Just for fun. Nice lighting. I love Yellow Light.:)


Sunday, July 30, 2006

Mouseless






Mouseless/Cinema Party/Haggard/Short Hair

Since my pc's mouse at home won't work, andito ako ngayon sa kule office maximizing the internet connection and uh, the working mouse. :)

Kakabalik ko lang dito from the Cinema party at Ate Ayn's house. Fun. Sobra. I got to see and bond with some of the alumni, na sobrang minsan ko nalang makita. (although wala ang buddy Icang ko na soobrang miss ko na at gusto ko na mayakap. *tears) Syempre, nakapagbond din ako with the rest of the Cinemasters and the future Cinemasters. :) Yay, ililibre daw ako ni Gid sa Sarah's. Hehe. Haaay, videoke. Ang galing mo Leo! Hahaha.

Too bad i had to leave early.

Well, kasi i have to finish editting my photos at magawan na ng captions lahat. Basta, marami pang mga trabahong dapat tapusin. Like blogging. Hahaha. I hope ganun nga. (gising divs!) Pero hindi e. Makapal na ang readings na hindi ko pa nauumpisahang basahin. May report pang dapat i-prepare. May mga photos pang dapat i-print. May article pang kelangang tapusin. Haaayy. So maybe after this, sisimulan ko na yung pag-edit.

Bankrupt. Yun ang status ko ngayon. As in zero! Grabe, ngayon lang ang ako naghirap nang ganito. :( Nakakalungkot nga e. Marami akong hindi magawa. Like having my hair cut. I'm sooo wanting short hair!!! With blue streaks maybe. (still thinking about the streaks though, baka hindi na naman kasi magwork e. i remember the yellow orange hair color! haha.)Kung mapapadala allowance ko bukas, maybe. Just maybe. Priorities first. Kelangan ko din kasi ng pera to print my photos for an exhibit sa FC Gallery next week. So maybe after nabili ko na mga kelangan ko, i'll pay Metro Salon a visit. Hehehe. (shit, so backward, but nakakamiss din pala ang mga ganitong concerns. BUT NO. Walang panahon.)

Oh well. Enough. Editting/captioning time. Katabi ko pala editor ko. :D

Thursday, July 27, 2006

Buntong-Hininga






haaaaayyyyy. *mahabang buntong-hininga.

Stand-UP







STAND-UP College of Mass Communication

SONA MARCH, July 24, Commonwealth Avenue

Tuesday, July 25, 2006

Beer






Beer

Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
At nag-iisa
Nakatanim pa rin
Ang gumamelang
Binigay mo sa`kin nang tayo`y maghiwalay
Ito`y katulad
Ng damdamin ko:
Kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatay

Giliw, wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana maglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito`y nawala
Nung iniwan mo ako kaya ngayon

Ibuhos na ang beer
Sa aking lalamunan
Upang malunod na ang
Puso kong nahihirapan
Bawat patak anong sarap
Ano ba talagang mas gusto ko,
Ang beer na ito
O ang pag-ibig mo?

Nais kong magpakasabog
Dahil wala ka na
Kahit ano hihithitin
Kahit tambutso
Kukuha ako ng
Beer at ipapakulo
Sa kaldero't lalanghapin
Ang usok nito
Lahat ay aking gagawin
Upang hindi ko na isiping<
Nag-iisa na ako


*isang lss galing kay meg at toni. nais kong magpakalasing.

SONA Aftermath






Post-SONA Rants

I didn't think that GMA's SONA would have this effect on me.

Marami akong nararamdaman pero at the same time, parang ang empty din. Haaay malabo talaga. Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko.

Maraming nangyari.

Nawala telepono ko kanina habang sumusuong kami sa ulan sa Commonwealth. Di lang ako sigurado kung pano sya nawala, baka nalaglag sa bulsa ng jacket ko o baka meron lang talagang kumuha. Ang dami kasing tao kanina, kahit sobrang lakas ng ulan. Basang-basa nga ako/kami e. Lahat pati sapatos at medyas ko. Napatunayan kong ayaw na talaga ng mga tao kay Gloria na kahit bagyo, hindi sila mapipigil sa pagpapatalsik sa kanya. Nakakuha din naman ako ng maraming mga litrato kahit nababasa ng ang camera ko. (Sana lang keri naman sila.) Hindi pala ako pinayagang sumama, yan ang bilin sakin kanina nila Nanay at Tatay bago sila umalis pauwing Iloilo. Which obviously, hindi ko naman sinunod. Syempre pinagalitan ako tungkol sa telepono, di ko alam kung naniwala sila sa akin na hindi ako sumama sa sona (well obviously, nagsinungaling ako). Napaparanoid na ata sila, after this sem daw lilipat na ko ng UP Visayas sa Iloilo. Kumusta naman yun??? Pero sa totoo lang, hindi ko alam ko gagawin ko kapag nangyari yun. Hindi ko talaga alam. Shet karma na ata to sa pagsisinungaling at pagsuway at sa lahat-lahat.

Ayoko din tuluyang maniwala sa teorya ni Leo na laging may katumbas na kalungkutan ang kasiyahan. Kahit na ilang beses ko nang napatunayan yun. Pwede kasing nagkakatotoo sya dahil pinapaniwalaan mo. Or pwede namang naniniwala ka dahil totoo talaga sya. Either way, ayoko ng malungkot. Gusto ko masaya o nakangiti pa rin kahit pagod o may problema. Sawa nako sa kalungkutan. Di lang nila alam.

*shit. "It must be the rain."

Monday, July 24, 2006

UP SILIP/SONA






UP SILIP/SONA

Bukas na ang SONA ni GMA. (Dahil sinuspende ang mga klase) sumama sa mobilisasyon. Kitaan sa AS Lobby ng 10am. MAKIBAKA, HUWAG MATAKOT.



Go against the grain! Join UP SINING AT LIPUNAN.


SILIP is a university-wide, CMC-based organization which aims to affirm the vital role of art in shaping and changing society. Formed in 8 Mar 2003, the group highlights the power of film as the medium where all art forms meet.

Sign-up booths at the
College of Mass Communication Skywalk (Jul 24-28) &
Faculty Center (Jul 31-Aug 4).
Applicants' Orientation (Aug 4) at the CAL New Building.
Questions? Comments? Love notes?
Contact Val (0919.371.9249) or Divs
(0916.600.3417)

Pagmomoda






Pagmomoda



Uuwi na bukas mga magulang ko. Nakakalungkot, hindi ko man lang sila nakasama ng kahit isang buong araw man lang. Pag-uwi ko dito sa bahay, tulog na sila. Tulog din naman ako buong araw, at paggising ko, aalis na naman ako. Hindi na kami nagkakausap halos. Namimiss ko rin naman sila e. At hindi naman totoong may iba na akong mundo. Na wala na ako sa mundo nila. Anak pa rin naman nila ako, kahit may ilan silang mga bilin na hindi ko ata kayang sundin. Ayokong isipin nila na nag-iba na ako. Ako pa rin 'to, namulat lang sa mas malawak na mundo. Na alam ko pagdating ng panahon, maipagmamalaki din nila.

----

Haay. Oo, malungkot ako. Dahil sa mga maraming pangyayari. Hindi ko ipagkakaila 'yun. Pero tama ka Jane, hindi ngayon ang panahon para mag-moda. Mas maraming dapat gawin at isipin. Walang panahong dapat masayang.

Sunday, July 23, 2006

The Morning After






The Morning After






Cinemalaya Film Congress, Cultural Center of the Philippines July 20, 2006.( For more photos, check my multipy site at http://aprilfoolish.multiply.com/ )

Friday, July 21, 2006

Mahabang Araw






Longest Day


LRT. Cinemalaya. Luneta. Bus. Jollibee. Vinzons. Javis. Meatshop. Strong Ice. Ministop. Vinzons. Rooftop.

----
Advice for the Day- July 20, 2006 (according to close-your-eyes-and-point advice chart i found in kule)

"Enjoy every happy moment. Don't think of the not so-happy ones."

Wednesday, July 19, 2006

Wala Lang






Quiapo Pic


my first photo shot in film na dinevelop and pinrint ko sa darkroom. :)(taken at quiapo, you can visit my deviantart to see more of my photos.)


----
this was a very tiring day. sobra. to think that wednesday is supposed to be my free/rest day. oh well. a dinner in gloria maris was a good consolation. :) (thanks, tatay.) kepi and karl joined us again. well, tonight's dinner was less 'tensyonado' than the first one. no more debate. hehe. and the shrimps and brocolli tasted like heaven. till next dinner! :)

----
will be out the whole day tomorrow. will attend the CINEMALAYA's Film Congress at CCP. which means i should be up by 5:30. haay.

Tuesday, July 18, 2006

Birthday Blues






Nanay's Birthday


Happy Birthday, Nanay! I LOVE YOU!



The official birthday dinner of the official family with the official friends. LOL. (at burgoo, july 17)

after forever, ngayon lang ulit kaming tatlo nagkaroon ng pic. :) divs, kepi and karl at burgoo during nanay's advance birthday dinner last night.

Monday, July 17, 2006

Sisters






Sisters



I'm missing my sister.
(Although she's just up in her room while I'm writing this entry.)

She's rarely home now, pag weekends na lang kung wala siyang klase. We see each other four times a month at most. At sa loob ng mga panahong yun, sobrang konti pa din na oras ang naibibigay ko sa kanya. In the first place, I'm almost never home myself. I'm busy stressing myself over trivial things, and uhm, not so trivial things in school.
Wala lang, i just miss her and the times we laugh and fight over anything and almost everything under the sun.
I miss you, tae!
---
My parents are arriving in a few hours. And i better get some sleep now if I don't want to be late for my 8:30 film history class. Which by the way, hindi na nga talaga ako pwedeng mag-absent or ma-late dun. Haay.

Saturday, July 15, 2006

Malandi!






48hours Out

July 13, Thursday
* Rediscovering Manila w/ Glenn (photo shooting + dvd searching + exploring the streets of quiapo, yosi moments at avenida, first time sa luneta (ng bumabagyo) bonding, etc.) + lrt, gateway, starbucks 'outside the clasroom' education
* Overnight at Karl's very homey home in Angono with Glenn and Kepi.
* Haggardness. Balita na may natagpuang apat na bangkay sa Bulacan kung saan naubduct sila Karen at She.
* Pizza Hut + Yakult.
* Karl's blue room. Aldo, Luneta, Joma and K. Roger (our new found pets).
* Drumstick Scandal. Hahaha.

July 14, Friday
* Cellphone alarms were ignored. Classes were not suspended. Absence.
* Black shirt day! (Thanks karl for lending us your shirts!)
* Veerry loong moorniingg. Post-storm hang over. sigh.
* Lollipops + JellyAce. KIDS.
* Goodbye, Aldo. Bye, Angono. Hello, UP.
* 12 shots remaining. Lunchbreak. Darkroom. Glow in the dark. (I'm excited to see my prints, will post them here on monday.)
* UP CINEMA's orientaion. Masaya. Nayakap ko ulit ang mga kaibigang matagal nang hindi nakikita. :)
* Soli Night. Kule Gen Meet. Napikon. Naasar. (Kepi: Wag ka nang malungkot, Divs. Mahal ka rin niya!)->hahaha.
* Trip to the 'Imperialist Fastfood'. Stayed there until 230 in the morning.
* 'Threesome' conversations sa ilalim ng Katipunan Fly-Over with Karl and Kepi.
* Akyat Bahay. Forgot the keys, had to climb up the gates.

TODAY
* SICK! Missed the workshops. (Sorry, Rouelle.)
* Maginhawa St. Overnight(?). Presswork. Captions.

---

Divs: Narealize ko, mabilis pala ako magsawa. (to kepi and karl, mcdo katips. july 15, 2am)

Thursday, July 13, 2006

Kape






Caffeine High

"Alam mo Divs, feeling ko talaga lesbiana ka."- katmac

Natawa ako. Pero I bothered naman to ask why she thinks so. Di ko na nga lang maalala yung sagot ni Kat. Si Kepi, Karl at Jeeu din, forever akong inaasar na tibo. [Haha buti pa sila alam nila. Ako kasi, di ko alam na hindi na pala ako straight!:P] Di ko lang talaga maintindihan, bakit sila may issue sa sekswalidad ko e ako, kumportable naman ako na marami akong gustong lalaki [na nilalandi ko pa nga]. Hehe. At not to mention, i just ended a relationship last month. O inaasar lang talaga nila ako bilang hindi pa ko napipikon ever? Oo naman, may 'crush' akong mga babae, pero gusto ko lang sila dahil may something sa kanila na inaadmire ko (i.e., pananamit, skills o dahil maganda lang talaga sila). Hindi ko naman dineny yun ever. But duh, that does not mean that i'm interested in girls romantically! Naku, mapikon na kaya ako?Ang bait ko kasi e. Haha. Pero kebs, ano ba ate! I'm sure alam naman nila yun e [na straight ako], they're just having fun at my expense! (tanginaa nyong lahaat!hahaha.)

ANYWAY. Maliban sa tibo issues ngayong araw na 'to, meron din mga usapang hayok (watched jerwin's 'hayok', an experimental film, this afternoon. Uhmm, i wish i didn't watch it with the freshies.) Ok, from UP, kumain ng dinner sa Kenny's at nagkape kami sa Starbuck's at eto naha-hyper tuloy ako. Kailangan ko nang matulog though, maaga pa ako bukas. Quiapo trip with Glenn to buy photopaper, film rolls, etc. and makapagshoot na din dun sana, kung hindi masyadong malakas ang ulan. Maraming miting bukas, sana maisingit ko ang panonood ng 'She's The Man' sa UPFI.


*plugging portion muna
Magkakaroon ng UP CINEMA Applicants Orientation sa Biyernes, alas-kuwatro hanggang alas-sais ng gabi (4-6pm) sa Videotheque, Bernal Gallery (sa likod ng UPFI o Cine Adarna). MAKE A SCENE! Be part of UP CINEMA!

Wednesday, July 12, 2006

Overnight






Kule Overnight w/ Kepi

Dahil sa nag-stuck ang backspace key nitong keyboard at na-delete ang buong entry kong dapat tapos na, eto, nagta-type ulit ako dito.

Hmmmm. Hindi na kami uuwi ni Kepi. Mag-aalas dos na kasi. Tsaka wala lang, tinatamad lang kaming umuwi. Haha. Nakakapanibago. Kami lang tao dito sa Kule opis. Well, maliban kay Mang Romy na pasulpot-sulpot. Nagpapahinga ang mga tao dahil [lumabas na ang issue4!] haggard na naman ang presswork sa darating na mga araw. Puyatan na naman.

Masaya lang 'tong araw na 'to. Kahit sobrang lakas ng ulan kanina at binaha ang AS Walk at di pa rin ako lubusang magaling. Ang daming nakakatuwang pangyayari. Basta, masaya lang. :D [ang sarap ng blueberry cheesecake!]


Simula bukas, aayusin ko na buhay ko.

Ayan tapos na, fragmented pa rin talaga ako mag-isip. Haaay.

Goodnight, Kepi. Gising tayo bukas ng 5:30. Goodluck sa script.

Tuesday, July 11, 2006

Pag-ibig nga ba?






it must have been love



haaay.

Monday, July 10, 2006

Walang Panahon






Tumunog ang alarm ng cellphone ko kaninang 6:45. Pinindot ko lang ang snooze, balik sa tulog. Tapos nung 7:15 ulit. Reminder naman, "bangon na! bawal ma-late!".

***
Pero haayy. Eto ako, nagta-type nitong entry na 'to. Alas-onse na nakabangon dahil sa inaapoy ng lagnat. Hindi nakapasok sa film102 class kay Campos. Nanood lang naman daw sila ng pelikula ni Erap, at sobrang konting discussion, pero kahit na. May isa na kasi akong absence sa klaseng yun nung na-late (at na-lockan ng pinto) ako nung isang linggo. At TATLO LANG ang maximun number na pwede kong i-absent. So goodluck sakin diba.

***
Nilalagnat pa rin ako. Tumawag Nanay at Tatay ko. Sobrang nag-aalala Nanay ko, naiiyak na siya. Gusto niyang pumunta dito ngayon din. Pero baka bukas na lang daw. Nakokonsyensya ako. Di ko kasi inalagaan sarili ko, di sana hindi ako nagkasakit. Di ko kasi sila sinunod na huwag nang umalis nung Sabado, umalis pa rin ako, at nakipag-inuman sa kule. Tuloy, eto pasinghot-singhot ako at giniginaw. Sabi pa man din niya, naniniwala daw siyang nag-aaral ako ng mabuti. Well, totoo naman yun. Sinisikap ko naman na hindi mag-absent. At pumasok sa klase na matino ang kaisipan. Kaya lang, meron lang talagang mga bagay-bagay na hindi maiiwasang unahin ko.

Namimiss ko na sila, at kaarawan ng Nanay ko sa susunod na linggo. Bumili kami ng kapatid ko ng regalo para sa kanila ni Tatay. Tsinelas. Havianas na puti, terno silang dalawa. Sana magustuhan nila.

***
Haaay. Gusto kong pumasok sa klase. Gusto kong maligo. Pero giniginaw ako. Excited pa man din ako sa film110 ko ngayon. Magpiprint na kami ng mga litrato. [Sayang yung isang roll ko, nasira sa pagdevelop ko last week. Pero meron pa namang isa.] Sabi ng ni Aika, huwag na daw akong pumasok kung hindi ko talaga kaya. Pero mukhang kaya ko pa naman. Ata.

***
May hang-over pa rin ako. Sa party nung Sabado. Sa mga pangyayari. Hahaha.

***
Syeet. Walang akong panahon para mpagod. Walang panahon para magkasakit. Haayyy.

Sunday, July 09, 2006

Kauna-unahan






Nangangapa pa ko sa mundo ng Blogspot.

Pero sige na nga, iimbitahan ko parin kayo.
Dali, pasok kayo sa mundo ni deevian.

Welkam!