Sunday, October 22, 2006

Akala ko






Akala ko noon, ang maiwanan lang ang mahirap.

Mali pala ako.

Malungkot din pala ang umalis. Malungkot din pala lalo na kung maraming 'di-tiyak'. Malungkot lalo na kung may maiiwanan ka. At hindi pa nila lubusang maintindihan kung bakit mo kailangang lumisan.

Ewan. Sem-end syndrome lang siguro 'to.

Saturday, October 21, 2006

Checklist






[∕] Makatambay ulit sa roopftop ng Vinzons.

[∕] Makapag-McOmelette para sa breakfast.

[∕] Makabisita kila Ate Aimee at Kuya Ram sa Kenny.

[⁄] Makapag-starbucks.

[∕] Makatambay at makapagyosi sa sunken.

[∕] Makita ang sunrise at sunset ng Manila.

[∕] Makapag-Luneta.

[∕] Makatambay ulit sa ilalim ng Katipunan Fly-over.

[⁄] Makapag-ukay! (bumili ng balabal, etc.)

[ ] Makapag-ice skates.

[ ] Makabili ng bagong telepono. (semi-check lang, nakabili ako ng bagong casing)

[⁄] Makabili ng iiwang regalo para kay Nanay, Tatay at Ving.

[∕] Makapag-isaw sa ilang.

[ ] Maipa-print ang mga litrato sa digicam.

[⁄] Makadaan sa simbahan ng St. Joseph.

[∕] Makasama sa isang malaking rally.

[⁄] Makagawa ng sulat para sa mga magulang at kapatid.

[ ] Masabi ko sa kanya na mahal ko sya.


* ang nasa itaas ay listahan ng mga gusto at kailangan kong gawin bago ako umalis. yung may mga check, nagawa ko na. sana meron pa akong sapat na oras para sa iba. hindi pa din ito ang final na listahan, baka may mga dumagdag pa.

Thursday, October 19, 2006

Happy BET-day!






VOCABULARY

Be.ta.max
[be.ta.maks]
-noun
1. lumang bet (e.g., P.S., Jesus)

Bet.ho.ven
[bet-hoe-ven]
-noun
1. bagong bet (e.g., E.E., sideburn)

Higher Object of Affection (e.g, T.M., Mark)

Lower Object of Affection (e.g., P.S., E.E.)

MASArap lang tingnan (e.g., Breakfast, Elephs, Carreon, Swimmer, Arab, etc.)

Tectonic Plate Theory- maaari ngang maghiwalay ang mga kontinyente, ngunit maaari din naman magkaroon ng collision at magbuo ulit ng panibagong kontinyente.

Rachel: Let's have breakfast, im hungry!
Louie: No, we go home. Don't be an impulsive hunger!


Hahahaha.

HAPPY BET-DAY, RACHEL and LOUIE!


Katipunan (McDo, Ministop, Ilalim ng Fly-over)
10:30pm- 5:00am

Para kay Louie, maraming salamat sa mahigit anim na oras ng kawalan.

Hindi pala.
Tenkyu sa mahigit anim na oras ng malakas na tawanan, kung anu-anong kwentuhan, sa pagbi-bet, pag-aaral at mga aral na natutunan, sa paglalakad, sa lahat, sa kawalan.

Hanggang sa muling bet-day natin.

Nagmamahal,
Rachel

Wednesday, October 18, 2006

Kalandian






Alam mo bang hindi naman kita mapapansin kung hindi ka magpapapansin?
Hindi, lagi din pala kita hinahanap.

Haay...

Ang sarap talaga makipagtitigan sa'yo. Pag tumitig ka, tumatagos. Ang sarap salubungin ng mga tingin mong hindi ko alam kung ano ang kahulugan (kung pareho ba tayo ng rason sa pakikipagtitigan, o may balaj kang iniisip sa twing titingin ka sakin).

Sana magkausap na tayo, yung totoo. Yung hindi mga one-liner lang. Sang maipakilala na tayo sa isa't-isa. Hindi yung indirect lang. May koneksyon nga tayo, oo. Pero sana mas makilala pa talaga kita. Kasi alam kong maliban sa mga mata mo, marami pa akong magagandang makikita sayo.

Syet ang landi ko! Pero sana naman wag lumaki ang ulo mo ha.

Monday, October 16, 2006

Pigilan moko, please.






Malapit na ko umalis.

Natatakot ako, baka hindi nako makabalik.
BAKA HINDI NAKO BUMALIK.

Pigilan moko, please.

Sunday, October 15, 2006

Sana kayanin ko






Taurus

"If you respect your own feelings, you will teach other people to do the same.

Whatever hesitation you've been feeling about a relationship will disappear today when you get a phone call or an email that sheds some much-needed light on the situation. Chances are, what you have been worrying about isn't something you need to be worrying about. Your feelings are what they are -- own them and own up to them! Denying your emotions any longer will only delay the inevitable. Respect the way you feel and you'll teach others to do the same."

*horoscope ko ngayong araw na 'to.

Sana nga kayanin ko.

----
"Alam niyo na mga pagkakamali ko noon, at ayaw ko nang ulitin niyo din yun."

Ako (sa isipan ko lang): Hindi ba sabi mo, yung mga pagkakamaling yun ang nagpatatag sa'yo bilang tao at naglagay sa kung nasaan ka ngayon? Bakit hindi mo ako hayaang magkamali din at matuto sa mga pagkakamali at magiging pagkakamali ko kung sakali?

"Alam kong mahilig kang magdesisyon ng padaskul-daskol. Sana isipin mo ang mga consequences niyan, na hindi mo pagsisisihan sa huli."

Ako (sa isipan ko lang ulit): Haay. Ang hirap. Ako man e, natatakot ako na baka gaya ng dati, tama ka na naman. Pero lagi pa rin naman kayong andyan diba? You will still love me unconditionally whatever my choices and decisions will be? Di ba?

*I'm daddy's little angel, i'm daddy's little girl... (KANTA. lss ni Ving. at ako rin. from that patricia ann roque-alvin patrimonio movie.)

Saturday, October 14, 2006

Maging Ok ka sana.






Hindi naman unang pagkakataon ito na hindi ko alam kung pano magsisimula sa pagsusulat.

O kung magsusulat nga ba.


Wala, hindi pa rin talaga kasi ako ok e. Nagkukunwari lang. Malungkot pa rin ako. At siguro magiging malungkot pa rin sa susunod na mga araw.

----

Hirap pa rin pala talaga ako magbura ng mga litrato sa kamera ko. Kahit na-upload na lahat sa computer. Ewan. Dahil siguro masarap silang balik-balikan na kahit anong oras (kahit nakahiga nako, kahit sa taxi, sa jeep) o kung saan man at kailan mang gustuhin kong tingnan ulit sila, pwede.

Kanina nagbura nako. Tinulungan ako ng Tatay ko. Yung mga litratong andun, July pa pala. Tatlong buwang litratong naipon. Na binura ko nang lahat. Haay.

Nakakamiss.






Nakakamiss din yung taong laging kasama ko sa mga litrato. Yung taong laging kumukuha ng mga litrato ko. Yung taong laging nagpapakuha ng litrato niya sakin.


Sobrang miss na kita Glenn. Sana ok ka lang. Kaya mo yan, kakayanin mo.

Wednesday, October 11, 2006

Malungkot Na Gabi






"Isa ito sa mga panahong hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa'yo.

Gusto lang kitang yakapin. Nalulungkot ako."

*Let's pray for Glenn, and his mom who passed away today.

Monday, October 09, 2006

Baka. Siguro. Ewan.






Bakit may mga nakikita sila na hindi ko nakikita?
Bakit may mga naririnig sila na hindi ko naririnig?
Bakit may mga nararamdaman sila na hindi ko nararamdaman?

Nabubulag na din ba ako? Nabibingi? Namamanhid?

Nahawa na ba ako sayo?

O baka pareho lang pala tayo noon pa man.

Bulag. Bingi. Manhid.

Saturday, October 07, 2006

Bagong Laruan






May natagpuan akong laruan sa gitna ng damuhan isang gabing tumatakbo ako ng walang eksaktong patutunguhan. Hindi ko naman sya mapapansin kung hindi ako natalisod, nasa daanan ko kasi sya e. Napatigil tuloy ako. Dinampot ko, ang ganda pala nung laruan.

Lalong gumaganda habang tinititigan ko ng matagal.

Noon lang ulit ako nakakita ng laruang ganun. Pagkatapos ng mahabang panahon. Kakaibang galak ang naramdaman ko. Magkakaron ulit ako ng libangan.

Ngunit.

Bago pa man ako tuluyang umalis, my tumawag sakin. Isang batang babae. Sa kanya daw pala kasi yung laruan. Isoli ko daw, wag ko daw agawin.

Edi ako, sinoli ko naman. Akala ko naman kasi walang may-ari e, kaya ko sya inangkin.

Ngayon. Nakikita ko pa rin yung laruan, na nilalaro ng batang babae. Oo, medyo naiinggit ako. Sayang kasi, akala ko akin na yun. Pero anong magagawa ko? Sa kanya yun e.

Kaya sayo batang babae, wag kang mag-alala. Hindi mo kelangang ipamukha sakin sa twing magkakasalubong tayo na may laruan ka, na yung gusto kong laruan, sayo pala. Di ko naman aagawin yang laruan mo e. Sayong-sayo sya.

Hindi naman kasi ako mang-aagaw.

*Kuwento ng isang bata.

Tuesday, October 03, 2006

Adik






Sabi dati ng kaibigan ko sa testimonial niya sa akin sa friendster,

"si Divs ay adik. at kapag naadik na yan, there's no way you can possibly cure her addiction. unless maadik sya sa ibang bagay at doon matuon ang kanyang atensyon. pero lagot ka kapag nagsabay ang kanyang pagkaadik sa dalawa o higit pang bagay."

TRUE. Yun lang.