Wednesday, February 28, 2007

My latest realizations.






Yuck, what a title.

Anyway. Here goes.

- I feel old. Naiisip ko kasi ang freshie year ko sa UP, at iniimagine ko how i was like then. Haha funny memories lang. And i just smile at the realization na mag-aapat na taon nako sa UP in just few months time.

- I feel tired.

- And alienated [sometimes]. Hehe ewan ko ba, siguro dahil masyadong natuon ang panahon at atensyon ko sa slate.

- [but] I'm happy. That i'm very sure of. :)

- I STILL miss a lot of people and things. Hindi naman na ata magbabago yun e, as days go by, may mamimiss at mamimiss talaga ako.

- Eto na naman ako sa sakit ko- attachment. Ayoko talaga maattach, pero narealize ko din hindi talaga siya maiiwasan. I just have to learn how to let go [or detach] nalang din siguro.

- Literal na sakit ko: nakakatakot. Feeling ko hindi pa ko handa maoperahan. Naiiyak din naman talaga ako e- sa posibilidad na baka hindi nako magkaanak, sa twing iniisip ko ang malaking gagastusin sa pagpapaopera, sa panahong mawawala ako at yung mismong operasyon. (i was rushed to the hospital kasi nung madaling araw ng friday due to severe abdominal pain. Nasa st. luke's ako hanggang 4pm, i had to undergo several tests. At ang sadista lang nila, i was never given any pain reliever kahit halos mamatay nako sa sakit. Para daw hindi ma-mask yung pain, kasi hindi pa madetermine yung cause. At ayun nga after many tests, nadiagnose na i have this cyst sa in between my uterus and fallopian tube. That has to be removed asap.)

- May realization din kami ni jane, na dahil nga siguro sa sakit ko, kaya weird din yung moods ko. Na minsan ang perky-perky ko, na sobrang ang saya ko. Tas after a while, badtrip nako. I thought dati na they were just simple hormonal imbalances. Pero yun nga, apektado na din pala kasi talaga yung hormones ko kaya nagiging abnormal.

- For the past 3weeks, wala nakong naging ibang mundo kundi ang maskom.

- Narealize ko lang din, masyado ata ako nageenglish lately. Hahahaha.

- I still have to learn how to be more assertive.

- Masyado akong naaaliw at natutuwa sa kanya [yak at talagang nakangiti pa ako ngayon habang tinatype ko to haha].

[After that line, medyo nadisorient na ko, di ko na alam ano kasunod haha]

- Parang gusto ko nang matapos tong campaign, pero parang ayaw din. Gusto kasi para matapos na, nakakapagod na kasi. Ayaw, kasi sabi nga ni marian, we won't be seeing na each other as often as we do now. Wala lang, mamimimiss ko din naman talaga sila. Hehe.

- Yung hindi ko pagbabablog ng super dalas lately, manifestation ng pagmu-move on. Hehe whatever that means. At ng super kabusy-han din, dahil wala nako panahon mag-indulge sa emotions ko [yeah right! :D]

- But i also realized, i missed being alone. Kaya nga kanina, i took a 20minute break talaga. Spent it eating siomai and just enjoyed the moment of being alone. Kasi come to think of it nga naman, i've never been alone as in really alone for the longest time na.

- I crave for sweets lately as in blueberry chessecake, hershey's kisses, banana mango w/ white chocolate shake, chocolate cake, pillows and the like. Feeling ko kasi maiimprove yung mood ko kapag kumain ako ng matamis. Malabo nga din talaga and mood swings ko. What's worse is that i'm aware of it grr.


There. Medyo madami-dami din yun. At marami pa nga din e, pero inaantok na kasi ako at may 7am calltime ako bukas kaya tinatamad na din ako magtype. Hehe.

Hindi kana mag-iisa.








March 6.
Sa STAND UP,
hindi kana magiisa sa CMC!

STAND UP STRAIGHT!



Maalam. May Pakialam. Naninindigan.
STAND UP-CMC

Tuesday, February 13, 2007

Manika ng lahat.






[sa ilalim ng skywalk]

[yakapan]

siya: ano kamusta, ok kana ba?

ako: (ngingiti) oo, ok na ko. (mag-iisip) oo nga. i'm ok, very ok.

siya: talaga lang ha? bakit parang kinukumbinsi mo lang sarili mo?

ako: nyek anukaba, oo naman! i look ok naman diba?

siya: yun nga e, you ALWAYS look ok. hindi na alam idifferentiate ng mga tao yung totoong ok ka o yung 'you just need to be ok for them' kind of ok.

ako: hahahaha! basta, ok na ako. [halik sa pisngi]

-----

Mga shinare sakin na gusto ko din ishare:

* 12 minutes lang daw tumatagal yung isang emosyon ng tao. Beyond that, self- idulgence na.

[Yeah, right. :D]

* "Syempre naman hindi maiiwasan yung pagrereflect lagi sa mga nararamdaman natin, pero narealize ko, kung yun at yun nalang gagawin ko, hindi nako materialist nun."- isang kaibigan at kasama

[di ako sure kung yan yung exact words pero basta parang ganun. kelangan ko pa nga talaga aralin yung dialectic materialism, kung ano ba talaga yun. medyo nalabuan ako e.]

Saturday, February 10, 2007

Ikaw ay sapat






Umaawit ang puso ko
Naglalakbay patungo sayo
Dumadalaw man ang nakaraan
Sa piling mo ay handang maghintay

Kahit malayo, panahon ay salat
ikaw ang kulang nasa aki'y sapat

Pagkat ikaw ang pag-ibig kong tunay
Sa ating sumpaa'y tapat
Pagkat bahagi ka ng aking buhay
Kasama sa paglayang hangad

Pagibig ko'y di magbabago
Magtagal man ang digmaang ito
Ating pagkilos at pagmamahal
Anong alab ma'y handang magbigay

Kahit malayo panahon ay salat
Ikaw ang kulang nasa aki'y sapat

Pagkat ikaw ang pag-ibig kong tunay
Sa ating sumpaa'y tapat
Pagkat bahagi ka ng aking buhay
Kasama sa paglayang hangad (ganap)


Kahit malayo, panahon ay salat
Ikaw ang kulang nasa aki'y sapat.

Friday, February 09, 2007

Of forced smiles and embraces.






Gusto ko mang sabihing 'ikaw kasi e', yakap nalang muna ang itutugon ko sa mga pagod at malungkot mong pangungusap.

---

Unti-unti nang nawawala sakin ang lahat, lahat-lahat. Sinusubukan ko pa rin namang pigilan at panghawakan sila. Kahit pilit na silang humuhulagpos. Gustong-gusto na nila akong iwan.





Ako pa rin naman kasi to e.

Thursday, February 08, 2007

Signal No.3






Grabe, masamang senyales na to.

Araw-araw nako nagaupdate ng blog ko.

Wednesday, February 07, 2007

Sobra-sobra na.






Hindi ko pa man naaayos ang mga personal kong usapin at isyu, meron na namang sumulpot na panibagong suliranin. Haaay.

Sabi ng isang kaibigan, hindi naman daw kasalanan ang magpahinga kung pagod na. Pero pati ata yun wala nakong panahon para gawin.

Hihingi lang ako ng paumanhin sa mga taong nana-nag, nawo-walk outan, nababrat, naaaway at natatarayan ko lately. Hindi ko na idadahilan ang hormonal imabalance ko. Pagod lang kasi ako. At maraming iniisip. Patawad [at i mean it].

Sorry din sa mga nadidisappoint ko at nafufrustrate sakin. Sinusubukan ko nang nagwasto. At matupad yung mga expectations niyo.

Sa mga kaibigang nawawalan nako ng panahon, mahal ko pa rin kayo.

Haay i really need a week off, but definitely, not this week. Or next. Or the weeks after that.

Tuesday, February 06, 2007

Prinsesa-prinsesahan!






Pagkatapos ng mahigit tatlong linggo ata, ngayong gabi ko nalang ulit naabutan ang princess hours sa tv. Wala lang, ilang linggo na pala akong kung hindi madaling araw na umuuwi, e hindi na natutulog dito sa bahay at all. Hay. Masyado akong nawili sa pagtambay sa vinzons o sa ilalim ng flyover o dun sa may intersection sa katipunan malapit sa lrt hanggang madaling araw. At sa paghahouse-hopping.

*
Sinabi ko kanina, 'magwawasto nako'. Di naman ibig sabihin nun na ayaw ko na kayong makasama o lalayuan ko na kayo. Gaya nga ng sabi ko sa text, masaya akong kasama kayo, tulungan niyo lang akong mas magkaron ng direksyon. Tulungan lang tayo. Ok ba yun? Apir!


---

Di ko alam. medyo nawala ako sa mood kanina dahil sa sinabi mo. Napaisip at nag-alinlangan. Magaling kasi ako magtagpi-tagpi ng mga bagay-bagay, so natatakot ako na baka tama na naman ang hinala ko.

Kung papipiliin ako ng panahon na pwede akong magkamali, sana ito nalang yun.


---

Somehow
I've lost my mind
I'm not crazy, I'm just a little unwell
I know, right now you can't tell
But stay awhile and maybe then you'll see
A different side of me
I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know right now you don't care
But soon enough you're gonna think of me
And how I used to be


- Unwell, Matchbox20

Hindi ako nababaliw, dear, hindi lang ako masyadong ok.

Monday, February 05, 2007

Gusto kong lumipad.






Gusto ko din maglaho muna. Pwede ba yun?

Napapagod nako magpaliwanag.

---

May narealize na naman ako.

Ayoko ng mga taong masyadong nagdedepende sakin. Ayoko na muna sa mga mahihina. Sa mga tinitingnan akong 'mother figure' na laging objective sa pagsasagot sa mga tanong nila at kelangang maging malakas lagi para sa kanila.

Gusto ko sa pagkakataong 'to ako naman ang pagagalitan, pagsasabihang 'mag-objectify ka kasi' o 'i-weigh mo ang mga bagay-bagay' o 'wag ka na ngang magbrat'.

Pero at the same time, e sensitive din siya sa mga pangangailangan ko. At uunawain na kung minsan may mga dahilan din talaga ang pagbababrat ko- at nahihirapan lang akong iarticulate ang mga yun. At pagbibigyan din ang paglalambing at panghaharot ko paminsan-minsan.

At lalatagan ako lagi ng mga obhetibong pag-aanalisa sa mga bagay-bagay at kundisyon. Na ipapaunawa niya sakin ang mga gusto nyang maunawaan ko at ang mga alam niyang kelangan at nais kong maunawaan.

Oo, alam kong hindi ko naman kelangang maging mahina.
Kelangan ko lang ng (mga) taong mas matatag, assertive, objective, consistent at focused kesa sakin. Anumang antas meron ako ng mga yun ngayon.

---

[Hindi ko lang pala gustong maglaho, o lumipad, gusto ko din matunaw.]

Nauunawaan mo kaya ako? Natatakot nga ako e, baka maudlot ang hindi ko pa man napapangahasang simulan. Sana hindi ka kagaya nila. Sana kahit hindi ko ipilit na ipakita sayo, may maramdaman kang dahilan, para pagbigyan ako.

Patawad kung nakakaladkad kita sa kawalan.

Lalayo muna siguro ako saglit, kelangan ko din pulutin at tipunin ulit ang mga nagkandalaglag na bahagi ng aking sistema. Bubuuin ko muna saka ako haharap sayo.

Ingatan mo nalang ang ilang piraso ng itim at kayumangging sinulid na magkasabay nating pinaghugpong, pilit nilang dinidinig ang binibigkas ng iyong pulso.

Dahil ibubulong nila yun sa hangin. Hanggang makarating sa akin.

Friday, February 02, 2007

Cure me, please.






Kung ako ba ay bubulong, maririnig mo ba ako? Kung ako naman ay sisigaw, maiintindihan mo kaya ako?

----

Ilang araw nakong may hormonal imbalance. Manic na nga din daw ako. May nagtatanong din kung may mga insecurities ba ako lately. Sabi naman ng isang kaibigan, 'regla lang yan'. Isa nakong self-confessed MPD (Multiple Personality Disorder) patient. Kung minsan, schizo din. Akala ko kasi may nagaganap, wala pala. O vice-versa. Ilang beses narin akong sumuko sa inconsistency ko, at sa impatience. At sa pagiging 'mahina' ko.

Gusto ko sanang dugtungan ng buntong hininga yung huling pangungusap na yun, pero ayoko. Kakapagod nang maglabas ng buntong-hininga palagi.

Hindi ako bitter ha, hindi din ako malungkot. Naiinis lang ako. Ang harot-harot ko kasi. Ang landi-landi pa (hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan ang kaibahan ng dalawang yan, kagaya kung pano ko di maintindihan ang kaibahan ng class love at sex love). Kung minsan nga ayoko nalang, ayoko nalang lumapit sa mga tao. Baka kasi mamisinterpret lang ako. Minsan tuloy, napapaisip ako. Kilala ba talaga nila ako? O kilala ko ba talaga ako? May nakakakilala ba talaga sa akin?

Akala ko noon, kebs nako sa iisipin ng iba.

Akala ko lang pala yun.

Natatakot ako. Nagaalala ako. Hindi ako mapakali. Baka mali ako, baka mali sila.

Ayoko ng ganito. Ayoko na mag-brat. Ayoko na magwalk-out. Ayoko ng mga aftermaths.

Gagayahin ko si Kepi, Gusto ko ng Focus.

Gusto ko ng kaayusan. Gusto ko ng disiplina. Gusto ko ng oras na mapag-isa. Gusto kong mag-isa.

Gusto ko ng Karelasyon. Para maging leggitimate ang panlalandi at panghaharot ko. Gusto ko ng KR na focused at firm, na ibabalance ang pagiging inconsistent ko, at pagagalitan ako kung nagiging dekadente ako.

Marami akong ayaw at gusto. Mas marami akong gusto, pero di ko alam kung pano ko makukuha.

Marami akong malubhang karamdaman, pano ba to gagaling?