Thursday, November 30, 2006

Asan ang bagyo?






Ilang araw din akong hiatus mode sa pagbablog.

Pero babasagin ko na ulit ang aking katahimikan! Makikiuso na din ako. Haha. Meron na kasing Philippine Collegian after apat na buwan nitong pagkawala. Lumabas na ang REBEL KULE nung Thursday.
May mga taong nagpakita na rin pagkatapos ang matagal na panahong hindi nagpaparamdam (Hello Glenn! Hehe:D).

Ayun.Hehe. Kamusta naman kasi itong araw na 'to? Ang joktaym ng bagyo! Sinuspende ang klase dahil may super typhoon daw pero hello, alas-nwebe na, ni ambon wala paring pumapatak! Alam ko naman syempre na i should be thankful, pero naba-badtrip lang ako kasi andaming nakansel na gawain dahil sa pagsuspende ng klase. Tsaka gad, ang B-O-R-I-N-G nitong araw na 'to. Wala akong ginawa kundi maginternet at manood ng Maging Sino Ka Man episodes sa YouTube. Haha.

At sa araw na 'to, inatake na naman ako ng nostalgia. It's a 'positive' nostalgia though. Ang sarap lang alalahanin ng nakalipas. Pati na din mga paglu-look forward sa hinaharap. At mga 'what ifs' na hindi nakaka-torture. Haay. Ang sarap isipin ng mga lugar na gustong balikan, at pinapangarap puntahan. Mga taong gustong makita at makasamang muli. Mga kantang gustong kabisaduhin at kantahin ulit. Mga palabas sa tv at mga pelikulang gustong panoorin ulit. Mga araw ng pagmomoda, pagiging hyper at mga araw na wala lang. Mga lazy afternoons, mga tambay, mga wala lang. Mga buntong hininga, mga luha, ngiti, mga wala lang.

Mga wala lang na makabuluhan.

Katulad ng araw na 'to. Wala lang.

Pero me tanong ako. Asan, asan ang bagyo? :D

Self-Portrait








Yeah, that's a self portrait.

An assignment i did (crammed) for my Conceptual Photography class.

Any interpretations? Feel free to comment :D

---
Actually I myself was having a hard time explaining why I did this for self portaiture. Haha.

Ok. My intention really was to highlight the importance of specific small parts in a whole. That explains the series of macro shots.

As for the usage of my orange chucks (well aside from the fact that those are my suuper favorite malandi shoes! hehe.), I didn't want a 'typical me' photo. I wanted something else to represent me.

If you'll ask me why there's a monotone series opposite to the colored one, i'll give you a corny answer. Haha. It's because, life's like that.

Because I am like that.

The world has two faces. (Magkabilaan ang mundo.)

Or something to that effect. :)

Friday, November 24, 2006

Isang Mapulang Araw







"...kapag pumula ang silangan, malapit na ang kalayaan."

November 23, 2006. UP-Diliman Students Boycott against the proposed Tuition and Other Fees Increase and to support the Philippine Collegian.
ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!

Tulog muna tayo.






Yak. Napaniginipan kita kagabi, di ko alam kung bakit.
Di ko lang talaga makita yung logic. (Ang tanga mo Divs, kaya nga panaginip e. Haha.) Naoverwhelm lang siguro ako sa presensya mo nitong mga nakaraang araw. Hmm.

Marami kasi ako napapanaginipan na nagkakatotoo, in one way or another. Maaaring eksaktong-eksakto o may konting revision. At may epekto talaga sakin mga panaginip ko lately, kaya nahihirapan akong bumangon sa umaga. Ngayon ko lang narealize, yan pala una kong ginagawa pagkagising ko, inaalala ko mga panaginip ko. Ninanamnam ko. Haha.

Haaay gusto kong matulog ulit.

Tuesday, November 21, 2006

For More!








Haha wala lang. For more :D
That's me when i was in my first year (yeah i know, i looked different!), after an interview with Atom in my Comm3 class.

Tapos 2 years later, we met again, (not for another interview but) for a reason i wouldn't be elaborating here. Hahaha.

Salamat, Atom! :D

Wednesday, November 15, 2006

Salamat






Maraming tao akong gustong pasalamatan.
Di ko na kayang isa-isahin dito.

Pero alam niyo na kung sino-sino kayo. Di ko na kelangang banggitin pa mga pangalan niyo.

Kaya sa INYO (kahit hindi lahat kayo nakakabasa nito),
MARAMING MARAMING SALAMAT.

Simula pa lang to. Marami pang unos na dadating. Na muli nating haharapin at malalampasan nang MAGKASAMA.

MAHAL KO KAYO.

Kamustahan






[Hindi na ata ako marunong magsulat.
O baka hindi ko lang din talaga alam kung pano magsisimula.]


Kamusta na nga ba ako? (Para to sa mga nagtatanong at kahit sa hindi din. Literal na kung literal tong entry na 'to.)

MASAYA AKO. Oo, tama yang nababasa niyo. SOBRANG masaya ako ngayon.

Matagal akong nawala, nagbalik, at nawala ulit. Hindi man ako namatay, nabuhay ako ngayon. MAS nabubuhay ako. Ang daming napukaw na damdamin, positibo at negatibo. Marami akong napagtanto sa mga panahong ako'y nag-iisa at sa mga panahong maraming taong nakapalibot sakin. Mas nakilala ko kung sino ang aking mga kakampi at kaaway.

Pinakilala sakin ng mga pangyayari ang pinakamabait kong kakampi at pinakamatindi kong kaaway: SARILI ko.

Humina ako at tumatag gamit ang kahinaan din mismo ng mga nagdaang araw. Natuto akong magpakumbaba at sa mga pagpapakumbabang din yun ako kumuha ng lakas para lumaban. Inamin kong makakalipad lang ako ulit kapag nagamot ko na ang sugat ng mga pakpak ko (na ngayon pinagtutulungan ng lahat na gamutin). Na hindi maaayos ang lahat na nagmamadali. Maraming akong nasagot na mga tanong, maraming kontradiksyong naresolba, maraming mga desisyong napagtibay.

(korni pero) MAS KILALA KO NA ANG SARILI KO ngayon (at ang mga kaya kong gawin at abutin). At lalo pa na tangan-tangan ko ang mga aral ng ilang linggong nakalipas. Mga aral at karanasang lalong nagpapatibay sa pagkakakilala ko sa sarili ko.

Sa kahuli-hulihan naman kasi, ang magiging batayan ko ng kasayahan ko ay kung ano ba ang naging silbi ko sa mundong 'to.

Wala pa man akong naaabot, sa desisyon ko pa lang na yun talaga ang tutunguhin ko anumang bagyo ang dumating, MASAYA NA AKO.

E kayo, kamusta naman kayo?

Wednesday, November 08, 2006

Dalawa Ang Mukha ng Mundo






Kasabay ng pagbabalik ang muling paglisan.