Friday, March 23, 2007

Of bus rides and quail's eggs and stolen curtains.






Isa sa mga pinakanakakabaliw na gabi sa buong buhay ko. :)

Salamat andre, glenn, daena, eric, niel at ching.

Sa pagpapaexperience sakin ng ordinary bus sa edsa, ng balot at itlog ng pugo at pan de coco ng san pedro laguna, sa dilaw ng kurtina ng Cher Bus Lines, sa pseudo-despedida party/night out, sa mga masasayang litrato sa bus at sa aurora blvd at sa farmers flower shops at sa gateway steps sa Cubao, sa attempt na magroadtrip ulit papuntang Pampanga, at sa pagtolerate ng kabaliwan at kaweirduhan at hormonal imbalance at pagbabrat at pagiging soo turista ko ngayong gabi.

Hanggang sa muling balikang pagbu-bus (at pagnanakaw ng kurtina), paglalakad sa ulan, at pagpipiktyur na parang mga turista.

Tapos na ang south at Laguna. Ano next stop? North naman, Pampanga kamon. O mag-Antique nalang. Haha.

Namiss ko ang SILIP.
Mamimiss ko kayo.

Wednesday, March 14, 2007

Rosas ng Digma







SA DUYAN NG DIGMA

Hangga't ang ating pag-ibig ay tunay
Bawat pintig ng pag-asa'y taglay
At sa ating digmaa't pagsuyo
Kailanma'y di mabibigo

Hangga't ang ating pag-ibig ay tunay
Bawat mitihi natin ay may saysay
At di magsasawang hanapin
Ang tunay na paglaya natin
Tayo'y maglakbay, hawak kamay
Aabutin natin ang tagumpay
Bagong bukas ay naghihintay, aking mahal

Hangga't ang ating pag-ibig ay tunay
Himig ng bayan ay laging buhay
Sa bawat isipa't damdamin
Patuloy nating aawitin

Tayo'y maglakbay, hawak kamay
Aabutin natin ang tagumpay
Bagong bukas ay naghihintay
(Repeat) Aking mahal

Tuesday, March 13, 2007

Kamon!*






Patay na ata tong blog na to. Bugsh!

----

Sa dinami-dami ng naganap/nagaganap, hindi ko na alam kung ano uunahin ko. O kung isusulat/ikukuwento ko ba lahat.

Sige.

Sisimulan ko siguro sa kuwento ng katigasan ng ulo ko.
Dahil nga hindi ko sinunod si Dra. De Jesus, ayan tuloy, dumugo yung opera ko at sumakit ulit. Wag sanang magka internal hemorrhage, kamon! At nanganganib na hindi ako payagan na pumunta sa victory party ng STAND UP sa maskom sa Huwebes. Hmp. Dito muna ulit ako sa bahay ngayong araw, hanggang bukas (kung papayagan nakong umalis sa huwebes).

Kasi kung hindi ako pumuntang UP kahapon, feeling ko mamamatay na talaga ako dito sa bahay. Sobrang maraming bagay/tao/lugar nakong namimiss dun.
Na happy naman kasi nakita/nakasama, nayakap/napuntahan ko ang ilan sa mga yun.

Sabi nga ni Daena, "happy na ulit ang makulit kong puso". Haha.

--

Sa usapin ng eleksyon, i guess nakapagmove on nako (kamon!)

kasi nga

"We will NEVER run out of reasons to exist, persist and struggle."

Maraming mga aral ang nahango sa karanasan, maraming nakilalang kaibigan, maraming natukoy na kahinaan at kalakasan, maraming realizations, at lalong nagkaron ng maraming dahilan para magpatuloy.

Dahil ang STAND UP (CMC) naman (gaya nga ng paulit-ulit naming sinasabi) ay nandyan hindi lang sa panahon ng eleksyon.

lets Serve The People, kamon!

--

May iba pa ba akong usapin?

Hehe.

Uuwi nako sa 24, yey(?). Sa June na ulit ako babalik. Medyo nakakalungkot pero kelangan e. Eleksyon nadin kasi ulit, kaya kelangang suportahan ko naman Tatay ko. Hindi naman ako magiging bum sa loob ng dalawa't kalahating buwan noh, ipapanalo ko Tatay ko at ang KABATAAN Partylist sa Antique! Hahaha. :D


Kaya lang.

Meron lang akong ilang mga takot:

1. Baka magbago na naman ako.
2. Baka ma-lost nako pagbalik ko.
3. Baka mangitim ako (hahaha!).
4. Mamimiss ko ang Manila ng sobra.
5. Hindi lang pala ang manila. SIYA, sila.
6. Baka ma-"out of sight, out of mind" syndrome na naman ako (which is highly likely).

7. ATBP.

Kamon! Ngayon pa nga lang, nangungulit na ang 'makulit kong puso' e. Haha.


*favorite expression ko lately, kamon! :D

Bugsh.