Saturday, September 30, 2006

Tumingin ka naman






Sige nga. Hulaan mo nga kung anong bago sakin.

Hindi mo siguro napansin noh. Hindi, hindi ako nagpagupit ulit. Ganun pa rin naman kulay ng buhok ko. Hindi din bago ang suot kong damit. Cellphone? Hindi a, yung luma ko pa rin 'to.

Haaay bakit pa nga ba ako nagtataka? Hindi mo naman talaga ako napapansin e. Tumitingin ka nga sa akin, lumalampas naman. Nakikinig ka nga sa mga sinasabi ko, di mo naman inuunawa.

Hindi na dapat ako nagtatanong. Nasanay na rin naman ako. Medyo matagal-tagal na rin kasing ganito. Namanhid na ako, napagod na. Kaya tanggap nalang ng tanggap, wala nang paglaban. Wala nang resistance.


Teka.









Wala na nga ba?


-----



"...ganito ring panahon nang walang awang patayin ng ulan ang apoy sa aking puso."



*salamat kay Karl para sa litrato.

Friday, September 29, 2006

Usapang YM






Inlab, Bitter? Ano ba talaga?

Usapan namin sa YM ni Candice nung isang gabi.

C-an: inlab ka ba?
Ako: Gulat naman ako sayo. Haha.
C-an: hee
C-an: inlab ka?
Ako: Hindi na ata. =)
C-an: wushuu
C-an: wehihi
Ako: Hehehehe
Ako: Ikaw ang inlab. Kayo ni juan. =)
C-an: hee. uu.
Ako: Bakit mo natanong?
C-an: yung stat msg mo kasi e
Ako: Bitter nga yan e. Haha.
C-an: oo nga.
C-an: pero para sa'kin di naman laging pag sinabing "inlab" masaya o sweet e
Ako: Sabagay. inlab ka parin nga naman kahit nasasaktan ka. =)
C-an: oo.


------
Oo nga pala. Kapag sinabing 'inlab' ka, hindi lang pala ibig sabihin nun na masaya ka. Nagmamahal ka pa rin pala kahit lugmok ka sa sakit at kabitteran. Inlab ka pa rin naman pala nun kahit hindi ngiti ang nakikita sa mga labi mo kundi luha sa iyong mga mata. Umiibig ka pa rin pala kahit pinapasuko mo na ang puso mo (lalo na kung ayaw sumunod nito).



INLAB PA RIN PALA AKO.


* Kung sa isang iglap ako'y iyong limutin, huwag mo na akong hanapin sapagkat nilimot na rin kita.


(yan ang status message ko. isang linya mula sa tula ni Pablo Neruda, Kung Limutin Mo Ako)

Naiinis ako sayo.






Rona's words to Teresa.

We rebel because we love. And to love is not simply to feel affection, sympathy or desire. Loving means putting oneself in place of the other. Revolutionaries then do not serve to do charity- simply giving aid to the needy etc. etc. In serving the people, we identify with them- embracing both their struggle and aspirations. We become one of them. This is the meaning of remolding. This is the meaning of love. Smiley.


*Naiinis ako sa'yo. Because you always say the right things. Hmp. Payakap nga. :)

Wednesday, September 27, 2006

Tunay






Tunay.

"Totoong minsan, ang paghihintay at paghahanap ay nakakasawa lalu pa't kung hindi tiyak o wala naman na o wala ng kahihinatnan ang paghihintay at paghahanap na ito.

Ngunit kung ang paghihintay at paghahanap ay para sa isang makabuluhang bagay o layunin, hindi dapat magsawa.

Wag mainip at magmadali. sapagkat ang pagkainip at pagmamadali ay mas nagdudulot ng kapahamakan sa halip na kabutihan.

Ayon nga sa materya at diyalektika, laging dalawa ang mukha ng mga bagay. Kung may paghihintay ay may pagdating, mabuti man o masama. At kung may paghahanap ay may pagtatagpo, mabuti man o masama."


*natagpuan ko ang komentong to habang nagba-blog hop. tunay. tunay na tunay.

Bitter-bitteran






Bitter ka nga ba Divs?

*Haha, ewan ko. Naguguluhan pa ko. Ang daming kontradiksyon. Pero isa lang ang alam ko. Ang ganda ng tulang ito, galing sa blog ni Omer.

Kung Limutin Mo Ako

ni Pablo Neruda (salin ni Guiller Luna)


Nais kong ipabatid sa iyo ang isang bagay.

Alam mo na kung paano ito:
kung masdan ko ang kristal na buwan
mula sa pulang sanga
ng mabagal na taglagas mula sa aking durungawan,
kung hawakan ko
ang di maapuhap na abo
malapit sa apoy,
o ang magaspang na katawan ng panggatong,
lahat ng ito'y dinadala ako sa iyo,
waring ang lahat ng umiiral-
mga samyo, liwanag, mga bakal
ay mga mumunting bangkang
naglalayag
patungo sa mga isla mong naghihintay sa akin.

Ngunit kung ngayo'y
unti-unting pumanaw ang pag-ibig mo sa akin,
unti-unti, ihihinto ko rin ang pagmamahal sa iyo.

Kung sa isang iglap ako'y iyong limutin
huwag mo na akong hanapin
sapagkat nilimot na rin kita.

Kung matama at baliw mong pag-isipan,
ang hangin
ng nagdaan,
at napagtanto mong
dapat mo na akong lisanin
sa dalampasigan ng puso kung saan ako nag-ugat,
alalahanin mong
sa araw na iyon,
sa oras na iyon,
ikakampay ko ang aking mga braso
at ang ugat ko'y hahanap
ng panibago nitong lupalop

Ngunit, kung sa bawat araw,
bawat oras,
nadarama mong ikaw ay para sa akin
ng may di nagmamaliw na tamis,
kung sa bawat araw ay may bulaklak
na dumadampi sa mga labi mo upang hanapin ako,
o mahal ko, o sinta ko,
ang kabuuan ko ay muling mag-aalab,
walang mamamatay o mawawaglit sa akin,
nabubuhay ang pag-ibig ko sa pagmamahal mo, minamahal ko,
habang nabubuhay ka, mananatili ito sa bisig mo
nang hindi lumalayo sa akin.


----

para sa english version click mo to.

Monday, September 25, 2006

Samu't Saring Damdamin.






Worst Day(?)/ Mga Hula ni Yani

Pagod. Antok. Pagal. Gutom. Sabog. Bangag. Yan ang mga salitang maglalarawan ng araw ko. ("Grabe, divs, nekstaym nga wag kang makipag-usap sa mga tao kung kulang ka sa tulog. Ang sungit mo e.") Totoo naman yun. Ang bilis maubos ng pasensya ko kapag pagod ako. Ang bilis uminit ng ulo ko kapag wala akong tulog. Hindi ako nakakausap ng matino kapag nagbabrat na ako dahil sa kabangagan.

----

Hinulaan ako ni Yani kanina habang nagpoprod-work kami sa Vinzons. Uhm hindi daw yun hula, inapply niya lang natutunan niya nung psych pa sya (nagshift kasi sya sa journ). Tiningnan niya yung brush stroke sa pinrodwork kong banner. Eto yung mga conclusions niya:

1. indescisive daw ako (tumpak madz!)
2. dependent daw ako sa mga tao sa paligid ko (tama din naman kaso sinisikapan ko nang mabago yun.)
3. ako daw yung taong laging go with the flow, whatever that means. (oo nga yani, whatever that means. di ko pa matukoy e.)
4. "my heart is in my sleeves" daw. di ako magaling sa mga idioms pero ang ibig sabihin daw, i fall in and out of love soo fast. (waaahhh na tama ulit!)

Yan pa lang naman mga "hula" niya sakin. Na freaky kasi medyo totoo.

Grabe. Pagod nako. At antok. Paalam.

Sunday, September 24, 2006

Ganun lang talaga.






Kalabuan at Kabaliwan.

May mga bagay talaga na kahit ako mismo sa sarili ko, hirap akong maintindihan.

Magbibigay ako ng ilang halimbawa:

1. Bakit ko kaya hinahayaan na masaktan ako e meron naman akong choice(?)?
2. Bakit ko nga ba pinapayagan sila na saktan ako, e pwede naman akong lumaban?
3. Bakit kaya sa tuwing tumingin ako sa mga mata niya nakakalimutan ko ang konsepto ng "sarili"?
4. Bakit kaya hindi ko kayang wag ngumiti kapag nginitian na niya ako?
5. Bakit kaya ayaw sumunod sakin ng puso ko sa twing sinasabi kong "tama na. suko na tayo, please."?
6. Bakit kaya sabi nila naiintindihan nila ako, pero mukhang hindi naman?
7. Bakit kaya hindi ko siya kayang abutin?
8. Bakit ko kaya iniiyakan ang mga bagay na mabababaw pero walang luhang lumalabas para sa kanya kahit gusto ko nang humagulgol?
9. Bakit kaya sa napakahabang panahon, walang ibang nakakaalam ng TUNAY na laman ng puso ko kundi ako lang?
10. At bakit ko kaya sinusulat lahat ng 'to ngayon dito sa mapagpanggap na blog na 'to?
11. Bakit?


Di kaya dahil sa wakas papalayain ko na ang sarili ko sa kabaliwan at kalabuang ito? (Sana. Namimiss ko na ang kalayaan higit sa anupaman.)


Kung sino me alam ng mga sagot, sabihin mo naman sakin o.




Ewan ko kung me koneksyon pero sabi nga Kim Eun-ju sa Il Mare,

"We're hurt not because the love stops. But because it continues. Even after the love has already been over."

(*im not sure of the exact qoute pero basta ganun yung essence.)

At sabi din ng Up Dharma Down,

"Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan. Baka sakali lang maisip mo naman. Puro sya na lang sana'y ako naman."

Haaaay.

Friday, September 22, 2006

Last Song Syndrome






Kahit na may bagyo
Kahit na may unos
Kahit may libu-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig.

*Awit Ng Pag-Asa

Thursday, September 21, 2006

Hula-hula Hoops.






Horoscope/Random Thoughts.

Taurus

"Use critical thinking -- be suspicious of things that seem too good to be true.

There's an enormous overlap between the ethereal world and the physical world today -- and you might have a hard time telling the difference between what's real and what's illusion. Some of the people around you're using blatant flattery to get what they want. Though this tactic might work on some people, make sure it doesn't have any effect on you! Use your critical thinking, and be very suspicious of things people say that seem too good to be true."


That is my horoscope for today. Which is uhm a little weird. Because my horoscopes always happen to be right. I wonder what does it mean, at kung anong aspeto ng buhay ko ako ifa-flatter. Hahaha. (ayan divs ha, wag masyadong maflatter. be suspicious! *wink* hahaha.)


----
Anyway. There's a multi-sectoral mobilization today (Martial Law Anniv) at Liwasang Bonifacio, but i don't think i'll be able to go there. :( i have a lot of things to finish, lot of people to call and have appointments with. May SILIP GA pa mamayang 5. Sometimes i don't know kung papano ko hahatiin ang oras ko. Haay.

Saturday, September 16, 2006

Mga Baul Ng Litrato






Multiply.

Please visit my MULTIPLY gallery. I changed the layout, and i uploaded maaaaaany photos. :D If you have a multiply account, add me up.

http://aprilfoolish.multiply.com


See you there!

Straight Guy, I Want!






Gay Guys I Love.

I was searching for vector arts in Deviantart when i saw this deviation. It made me smile. :D credits to Chiplegal!

Thursday, September 14, 2006

Kalayaan






(I Wish I Knew How It Would Feel To Be) Free
by Lighthouse Family


I wish I knew how it would feel to be free
I wish I could break all the chains holding me
I wish I could say all the things that I should say
Say 'em loud say 'em clear
For the whole wide world to hear

I wish I could share
All the love that's in my heart
Remove all the bars that keep us apart
And I wish you could know how it is to be me
Then you'd see and agree that every man should be free

I wish I could be like a bird in the sky
How sweet it would be if I found I could fly
Well I'd soar to the sun and look down at the sea
And I'd sing cos I know how it feels to be free

I wish I knew how it would feel to be free
I wish I could break all the chains holding me
And I wish I could say all the things that I wanna say
Say 'em loud say 'em clear
For the whole wide world to hear
Say 'em loud say 'em clear
For the whole wide world to hear
Say 'em loud say 'em clear
For the whole wide world to hear

One love one blood
One life you've got to do what you should
One life with each other
Sisters, brothers

One love but we're not the same
We got to carry each other Carry each other
One One One One One...

I knew how it would feel to be free
I knew how it would feel to be free<


*this song tells exactly how i feel right now. weird.




http://aprilfoolish.multiply.com/

Saturday, September 09, 2006

COMFORT ZONE






We all have to leave them. Eventually.

Wednesday, September 06, 2006

Dulong-dulo.






Dead Ends.

"I like DEAD END signs. I think they're kind. At least they have the decency to let me know I'm going nowhere."

isang text na natanggap ko mula kay Icang. tama nga naman. atleast pag may nakita akong dead end sign, wala, titigil na ko. alam kung wala nakong mapupuntahan. pero sabi daw ni Julius, mas okey ang DETOUR signs. kasi atleast yun daw, bibigyan ako ng pagkakataon magpatuloy and to 'turn my life around'. tama din sya.

Pero pano kapag pagod nako?

Monday, September 04, 2006

Ang Sakit Naman






OUCH.


"You know... it's not even that, I was... I was fine until I read your fucking book! It stirred shit up, you know. It reminded me how... genuinely romantic I was, how I had so much hope in things and... now it's like... I don't believe in anything that relates to love, I don't feel things for people anymore. In a way...I put all my romanticism into that one night and I was never able to feel all this again. Like... somehow this night took things away from me."


-- Celine, Before Sunset.

Sunday, September 03, 2006

Para Kay Glenn






UY GLENNTOT!


Salamat.

Sa mga tunay na ngiti.
Sa mga tawanang nakakapagpalimot pansamantala.
Sa pag-uunawa. Lalo na sa mga panahong mahirap umunawa.
Sa mga kuwentuhang mababaw, malalim, makabuluhan.
Sa mga litrato.
Sa mga mahahabang lakaran sa acad oval, katipunan, quiapo, luneta, cubao, morayta, commonwealth at kung san-san pa.
Sa inspirasyong magpatuloy.
At sa pagpapaintindi kung kelan kelangan tumigil.
Sa tiwala at paniniwala.
Sa mga tapik sa balikat, hawak sa kamay, mga yakap.
Sa mga luha. Ng saya at pakikidalamhati.
Sa 'sunshine'. Sa 'raindrops'.
Sa saya.
Sa lungkot.

Sa LAGING pagiging andyan.

SA LAHAT.

(pati sa pagtolerate sa ka-cheezyhan at kakornihang ito.)