Wednesday, December 20, 2006

Aalis na naman ako.






Pero sa pagkakataong ito, may katiyakan na ang aking pagbabalik. :)

Uwi muna ako sa Antique, mga kaibigan. Doon ako magpapasko at magbabagong-taon. Magbabakasyon kapiling ang aking pamilya at iba pang mga mahal sa buhay na andun.

Sa loob ng dalawang linggo, balak ko lang magpahinga, kumuha ng mga litrato, magpahinga at kumuha ng mga litrato. Hehe.



Masaya ako na may mga naayos at nalinaw na mga bagay-bagay bago ako umalis. Happy! :)
AT nagkaron ng bagong mukha ang aking blog. Salamat kay kaibigang Daena! Alabyu madz!


Ayun. Kitakits nextyear.

Maligayang Pasko at Maningong Bagong Taong sa lahat!

Sunday, December 10, 2006

This time last year.






Pagkatapos ng isang usapan sa ym, maraming damadamin ang sa akin ay napukaw.

Isang taon na pala ang nakalipas. Ambilis.
Nakakamiss. Ang mga unang minahal, ang mga unang kaibigan.

Oo nga, nagbago na talaga ako. Wala na akong oras sa maraming bagay. Marami nang pagbabago sa mga dating pinaniniwalaan ko. Maging sa mga dating kagustuhan at mga bagay na minamahal ko.

Pero kung ano at sino ang mga iniibig ng kaluluwa at isip ko noong nakaraang taon,
malaki ang ambag sa kung sino ako ngayon. At nagbago man ako, ang pag-ibig na yun, laging mananatili sa isang espesyal na bahagi ng puso ko.

Sapagkat hindi ako nakakalimot. Pinipili kong wag lumimot

Friday, December 01, 2006

Sa unang hapon ng Disyembre






Habang minamahal natin ang ating mga sarili,
Nasisiyahan sa paglalaro ng mga mukha at mga alaala,
Higit kong ikinatutuwa ang mga tuyong damo
at nalalagas na dahon ng acacia

nang kayo ang kasama.

- Lex, sa isang mensahe.



Sa uulitin, kaibigan! Apir!