Monday, September 24, 2007

yun na yun.






I let go, let the tears flow, feel it completely.
But eventually, i'll be able to say,

"All right, that was my moment with loneliness.
I'm not afraid of feeling lonely,
but now I'm going to put that loneliness aside
and know that there are other emotions in the world,
and I'm going to experience them as well."

- Tuesdays With Morrie, Mitch Albom

---

Love does not have to be accidental;
it can be planned.
You fall in love through your actions,
and you can stay in love through your actions.
Whether or not we fall in love is largely under our control.

- Sternberg (1991)

Tuesday, September 18, 2007

aargh.






hindi kita mahagilap, hindi kita maabot.

nasaan ka na ba?




Sunday, September 02, 2007

Pagbabalik






Ngayon lang ako muling nagkaroon ng pagkakataon na magkapaginternet ng medyo matagal-tagal, at muling mabalikan ang mga isinulat kong blog entries. June pa noong huli akong magblog, at isang linya lang yun.
Hindi naman kasi talaga ako nagsusulat (o sabihin nating hindi ako magaling magsulat). Pero heto ako at nagtatype at muli na namang susubok.

Nakakatuwang balik-balikan ang mga sinulat ko dati. Sa pamamagitan kasi ng muling pagbasa sa mga iyon, makikita ko din ang inuunlad ko sa maraming aspeto. Sa pagsusulat, sa pagsusuri ng mga bagay-bagay at maging sa pag-unlad ko bilang tao.

Yung mga inirepost ko sa ibaba ay pawang mga bahagi ng mga entries ko noong February. Nangingiti ako nung muli ko silang binasa, napaisip ako, pakshet kung anu-ano mga nira-rant ko. Haha. Pero 'tong mga entries na'to ay malaki ang ambag sa kung paano ang pagtingin ko sa ilang mga bagay ngayon, at kung bakit ako masaya.


---
Mula sa blog entry ko noong February 2, 2007
[http://samundonideevian.blogspot.com/]

Gusto ko ng kaayusan. Gusto ko ng disiplina. Gusto ko ng oras na mapag-isa. Gusto kong mag-isa.


Gusto ko ng Karelasyon. Para maging leggitimate ang panlalandi at panghaharot ko. Gusto ko ng KR na focused at firm, na ibabalance ang pagiging inconsistent ko, at pagagalitan ako kung nagiging dekadente ako.

Marami akong ayaw at gusto. Mas marami akong gusto, pero di ko alam kung pano ko makukuha.

Marami akong malubhang karamdaman, pano ba to gagaling?


Mula sa blog entry ko noong February 5, 2007

Ayoko ng mga taong masyadong nagdedepende sakin. Ayoko na muna sa mga mahihina. Sa mga tinitingnan akong 'mother figure' na laging objective sa pagsasagot sa mga tanong nila at kelangang maging malakas lagi para sa kanila.

Gusto ko sa pagkakataong 'to ako naman ang pagagalitan, pagsasabihang 'mag-objectify ka kasi' o 'i-weigh mo ang mga bagay-bagay' o wag ka na ngang magbrat'.

Pero at the same time, e sensitive din siya sa mga pangangailangan ko. At uunawain na kung minsan may mga dahilan din talaga ang pagbababrat ko- at nahihirapan lang akong iarticulate ang mga yun. At pagbibigyan din ang paglalambing at panghaharot ko paminsan-minsan.

At lalatagan ako lagi ng mga obhetibong pag-aanalisa sa mga bagay-bagay at kundisyon. Na ipapaunawa niya sakin ang mga gusto nyang maunawaan ko at ang mga alam niyang kelangan at nais kong maunawaan.

Oo, alam kong hindi ko naman kelangang maging mahina.
Kelangan ko lang ng (mga) taong mas matatag, assertive, objective, consistent at focused kesa sakin. Anumang antas meron ako ng mga yun ngayon.

(mula sa parehong entry)

Nauunawaan mo kaya ako?

Natatakot nga ako e, baka maudlot ang hindi ko pa man napapangahasang simulan.
Sana hindi ka kagaya nila. Sana kahit hindi ko ipilit na ipakita sayo, may maramdaman kang dahilan, para pagbigyan ako.


Patawad kung nakakaladkad kita sa kawalan.

Lalayo muna siguro ako saglit, kelangan ko din pulutin at tipunin ulit ang mga nagkandalaglag na bahagi ng aking sistema. Bubuuin ko muna saka ako haharap sayo.

Ingatan mo nalang ang ilang piraso ng itim at kayumangging sinulid na magkasabay nating pinaghugpong, pilit nilang dinidinig ang binibigkas ng iyong pulso.

Dahil ibubulong nila yun sa hangin. Hanggang makarating sa akin.

Mula sa blog entry ko noong February 13, 2007

* "Syempre naman hindi maiiwasan yung pagrereflect lagi sa mga nararamdaman natin, pero narealize ko, kung yun at yun nalang gagawin ko, hindi nako materialist nun."- isang kaibigan at kasama


[di ako sure kung yan yung exact words pero basta parang ganun. kelangan ko pa nga talaga aralin yung dialectic materialism, kung ano ba talaga yun. medyo nalabuan ako e.]

---
Ito ang pinakamatagal kong blog. Blog na naging baul ng mga salita at alaala. Hindi ko man 'to mabisita at masulatan ng mas madalas kagaya ng dati, ang mga aral at kaalamang nadiskubre ko kasama at sa pamamagitan nito ay mananatili.


--
"The act itself is liberating."